Kris Aquino, matagumpay na dumaan sa first dose ng bagong treatment

Photo credit: @krisaquino/Instagram

Matagumpay na dumaan si Kris Aquino sa first dose ng kaniyang bagong treatment.

“1st Xolair injection was a success, meaning kinaya ko the full dose,” saad ng aktres sa Instagram kasabay ng ibinahaging video kasama ang dalawang anak na si Josh at Bimby, ilang medical staff, at kaibigan.

Nagpasalamat naman si Kris sa kaniyang mga doktor, at nurse.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang aktres sa pag-aalay ng panalangin ng publiko para sa kaniyang paggaling.

“Supposed to rest this week, then March 13 ang next shot- then after 5 days, praying nothing goes wrong, we finally go abroad & I continue my next doses of Xolair and finally tackle my autoimmune and other important health problems,” ani Kris.

Dagdag nito, “Thank you for being part of my road to wellness and hopefully better quality of life journey with me.”

Read more...