Leksyon ng COVID-19 pandemic, hindi dapat makalimutan – Tito Sotto

Sa pag-iral ng Alert Level 1 sa maraming bahagi ng bansa, nagpaalala si vice presidential aspirant Vicente “Tito” Sotto III na hindi dapat makalimutan ang mga leksyon na itinuro ng pandemya.

“Dapat ingat pa rin, kahit sabihin pa nila na Alert Level 1, it’s the new normal. The alert level will never be remove anymore dapat ganun ang thinking natin,” bilin ni Sotto sa pagharap nila ni presidential aspirant Panfilo “Ping” Lacson sa daan-daang tricycle drivers sa Candelaria, Quezon.

Diin ni Sotto, dapat palaging ipaalala ang istriktong pagsunod pa rin sa minimum public health protocols, lalo na ang pagsusuot ng mask.

Dagdag pa nito, dapat nakatutok pa rin nang husto ang Department of Health (DOH) sa sitwasyon.

Ukol naman sa leksyon ng pandemya, sinabi ni Sotto na nabunyag na mahina ang healthcare program sa bansa at ito ang dapat na palakasin.

Sinabi naman ni Lacson dapat paghandaan na ang ‘new normal’ at dapat iarangkada na nang husto ang Universal Healthcare Law.

Kasama din aniya sa dapat paghandaan ang pagdating pa ng bagong pandemya.

Read more...