Umabot na sa mahigit 63 milyong Filipinos ang fully vaccinated kontra COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, sa kabuuan, nasa 135,747,294 vaccine doses na ang naiturok sa buong bansa.
Sa naturang bilang, 68,808,944 katao na ang nakatanggap ng first dose habang 10,214,164 ang nabigyan ng booster shots.
Ayon kay Nograles, mahigit 80 porsyento na sa target population ang nabakunahan.
Kumpiyansa si Nograles na kakayaning maabot ng pamahalaan na maabot ang 90 milyong target na Filipino bago matapos ang second quarter ng taong 2022 at 72.16 milyong booster shots sa katapusan ng taon.
MOST READ
LATEST STORIES