Higit 1,000 napaulat na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas

Mahigit 1,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Base sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Martes ng hapon (March 1), 1,067 ang bagong naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa nakalipas na 24 oras.

Dahil dito, umakyat na sa 3,663,059 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 51,592 o 1.4 porsyento ang aktibong kaso.

Wala namang napaulat na nasawi.

Dahil dito, 56,451 o 1.54 porsyento pa rin ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 1,652 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 3,555,016 o 97.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...