Sanggol, natagpuan sa Pasig River

Labis na pagkasindak ang naramdaman ng mga residente ng Bacood sa Sta. Mesa, Maynila sa natagpuang patay na sanggol.

Bandang 9:00 ng umaga nang makita ang sanggol na palutang-lutang sa Pasig River, kasama ang mga basura.

Sa pagtataya ng mga imbestigador, tatlo hanggang limang buwan ang biktima.

Kapansin-pansin na nagsisimula nang lumubo ang bangkay, indikasyon na matagal na itong nakababad sa tubig.

Read more...