Ilang LGUs, pinagpapaliwanag sa mabagal sa pamamahagi ng cash aid sa mga nasalanta ng bagyong Odette

PCG photo

Pinadalhan na ng show cause order ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga opisyal ng local government units (LGUs) na mabagal sa pamamahagi ng pinansyal na ayuda sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, base sa talaan ng DILG, nasa 74.94 porsyento pa lamang sa mga LGU ang nakakakumpleto sa pamamahagi ng ayuda.

Ayon kay Nograles, pinagpapaliwanag na ng DILG ang ilang opisyal ng LGUs kung bakit mabagal ang pamamahagi ng ayuda.

Disyembre noong nakaraang taon nang tumama ang Bagyong Odette sa bansa.

Nasa P1,000 hanggang P5,000 ang ibinigay na ayuda ng pamahalaan sa mga apektadong pamilya.

Read more...