Aniya, kailangang balansehin ang pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo at ang pagtaas ng pasahe.
Paliwanag ni Lacson, may epekto sa mga ordinaryong mamamayan ang pagtaas ng pasahe, kasama na ang mga driver ng mga pampublikong sasakyan.
Aniya, sa pagtaas ng pasahe, maaring tumaas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo, at kasama sa mga konsyumer ay ang public transport drivers.
“Parang okay lang lumaki ang kita pero hahabulin din sa gastos sa mga gamit at pagkain natin araw-araw. Ngayon kung talagang agrabyado na kailangan pag-aralan kung itataas ba at ilang ang pagtaas,” diin pa ni Lacson.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Lacson:
WATCH: Sen. Ping Lacson on P5 fare hike petition | @escosio_jan
🎥: Jan Escosio/Radyo Inquirer On-Line#VotePH #OurVoteOurFuture pic.twitter.com/GqeoJeFAB9
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) March 1, 2022