Office of the President, wala pang natatanggap na dokumento ukol sa suspensyon ng e-sabong

PCOO photo

Wala pang dokumento na natatanggap ang Office of the President mula sa Senado para pormal na suspindehin ang e-sabong o online na sabong sa bansa.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, dapat ay nagbigay ng resolusyon ang Senado sa Philippine Gaming Corporation (PAGCOR) na nag-rerekomenda na suspindehin ang e-sabong at saka ipapasa sa Office of the President.

Sa ngayon, sinabi ni Nograles na walang abiso na natatanggap ang Malakanyang mula sa PAGCOR o Senado.

Iginiit pa ni Nograles na tanging sa mga balita lamang aniya natunghayan ang impormasyon na suspendido ang e-sabong.

Una nang sinabi ni Senate President Tito Sotto na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon ng e-sabong sa bansa.

Read more...