Ayon kay dating Agrarian Reform Secretary at senatorial candidate John Castriciones, ito ay base sa body language na ipinakikita ng Pangulo.
Sinabi pa ni Castriciones na hindi naman nagbibigay ng categorical na pahayag ang Pangulo kung sino sa mga kandidato sa pagka-pangulo ang kanyang iendorso sa Mayo.
Pero kung pagbabasehan aniya ang kilos ng Pangulo, malinaw na nasa kay Moreno ang pulso nito.
Narito ang pahayag ni Castriciones:
WATCH: Former DAR Secretary and senstorial bet John Castriciones: Based on President Duterte’s body language, he is supporting Mayor Isko. @radyoinqonline pic.twitter.com/rHVN5wFdBs
— chonayuINQ (@chonayu1) March 1, 2022
Una rito, sinabi ni Moreno na umaasa siya na siya ang mapipiling iendorso ng Pangulo.
Sa ngayon, wala pang pormal na pag-iendorso na ginagawa ang Pangulo.