Tugade, nag-inspeksyon sa bagong Multi-Role Response Vessel ng PCG

Screengrab from DOTr’s Facebook livestream

Nagsagawa ng inspeksyon ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) sa bagong Multi-Role Response Vessel (MRRV-9701) ng Philippine Coast Guard (PCG).

Pinangunahan ni Transportation Secretary Art Tugade ang inspeksyon sa modernong MRRV, kasama ang bagong PCG Commandant na si Vice Admiral Artemio Abu.

ito ang pinakamalaking MRRV ng ahensya.

Bahagi ang naturang bagong maritime asset ng Maritime Safety Capability Improvement Project Phase II (MSCIP Phase 2) ng DOTr.

Matagumpay itong inilunsad ng Shimonoseki Shipyard, Japan noong July 26, 2021.

Parte ang PCG modernization sa target ng DOTr, sa ilalim ng liderato ni Tugade, na mas palawakin ang kapasidad at kakayanan ng ahensya na gampanan ang mandato sa bansa, kabilang ang pagprotekta sa coastal borders ng bansa, pagsasagawa ng maritime search and rescue (SAR), maritime law enforcement, humanitarian assistance, at disaster response.

Read more...