Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpapatuloy ng susunod na pangulo ng bansa ang kanyang kontrobersiyal na anti-drug war campaign.
Nag-aalala ang Pangulo na kapag hindi itinuloy ang anti-drug war campaign, lalala na naman ang problema sa ilegal na droga sa Pilipinas.
Ayon sa Pangulo, dapat ituloy ang naturang programa kahit mas mababa sa kanyang itinakdang standards.
Sinabi pa ng Pangulo na tiyak na sisirain ang bayan kapag namayagpag muli ang ilegal na droga.
Iginiit pa ng Pangulo na ang pagpapatuloy ng anti-drug war campaign ay isang paraan para pangalagaan ang kinabukasan ng kabataan.
MOST READ
LATEST STORIES