Sen. Win Gatchalian: Mas marami pang paaralan dapat na magbukas

Ngayon umiiral na ang Alert Level 1 sa maraming bahagi ng bansa, sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na dapat ay mas marami pang eskuwelahan ang magkasa ng limited face-to-face classes.

Patuloy na isinusulong ni Gatchalian ang ligtas na pagbabalik eskuwela para maiwasan ang ‘ education and economic scarring,’ na pinangangambahan ng economic managers.

Binanggit ng reelectionist senator na base sa ginawang pagtatantiya ng National Economic and Development Authority (NEDA), aabot sa P11 trilyon ang mawawala sa susunod na 40 taon dahil sa kawalan ng ‘face-to-face classes.’

“Ang litas na pagbabalik ng face-to-face classes ay mahalagang hakbang upang makabangon ang sektor ng edukasyon mula sa epekto ng pandemya at patuloy itong tutukan,” dagdag pa ni Gatchalian.

Kasabay nito, sa kabila nang pagbaba ng COVID 19 cases, nagbilin ang senador na hindi pa rin dapat magpakampante ang publiko  at kailangan pa rin sumunod sa minimum health protocols.

Read more...