Ngayon bumababa na ang COVID 19 cases sa bansa, sinabi ni Senator Sonny Angara na dapat sabayan ito ng pinaigting na pagbabakuna sa lahat ng panig ng bansa.
Dagdag pa ni Angara sa pagbaba ng bilang ng mga kaso, nangangahulugan lamang ito na epektibo ang bakuna para labanan ang seryosong sintomas ng nakakamatay na sakit.
“Just like what we said when we were pushing for the acceleration of the vaccination program implementation last year and as confirmed by our health officials and experts, vaccines work and more lives are being saved everyday,” ayon pa sa senador.
Si Angara ang pangunahing sponsor ng RA 11525 o ang COVID 19 Vaccination Program Act.
Ngayon higit 60 milyong Filipino na ang naturukan ng COVID 19 vaccine at target ng gobyerno na mapalobo ang bilang sa 70 milyong hanggang sa unang tatlong buwan ng taon.
Dapat aniya na partikular na bigyan atensyon ang mga senior citizens na hindi pa nabakunahan at maari itong simulan sa malawakang information campaign at sa pagkilos na rin ng mga lokal na pamahalaan.