Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, nasa 29 na lang

May isang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (February 28), 48,812 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 29 ang aktibo pang kaso.

Walang pulis na gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 48,655 pa rin ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala ring bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 128 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...