DILG: 100 porsyentong indoor capacity, puwede na sa Alert Level 1

Punuan na sa loob ng mga establisyemento sa pag-iral ng Alert Level 1, ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Kasama aniya rito ang mga opisina o tanggapan.

Gayunpaman, bilin ng kalihim, tanging ang mga fully vaccinated na indibiduwal lamang ang maaring papasukin sa loob ng mga establisyemento.

Dagdag-paalala din nito, mahigpit pa rin ang pagpapatupad ng minimum public health standards, partikular na ang pagsusuot ng mask.

Kailangan din aniyang maayos ang bentilasyon sa loob at may tamang exhaust system.

Napakahalaga aniya na ang bawat isa ay sumusunod sa mga alintuntunin, pambansa man o lokal.

Read more...