Pumalo na sa 435.75 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 435,758,977 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 80,567,757 cases.
Sumunod na rito ang India na may 42,924,102 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 28,768,104 naman ang kaso sa Brazil habang 22,689,332 ang napaulat na kaso sa France
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 18,804,765
– Russia – 16,291,116
– Germany – 14,728,752
– Turkey – 14,025,181
– Italy – 12,764,558
– Spain – 10,977,524
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,967,666 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 366,156,426 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.