Nakarating na sa Poland ang 13 Filipino na inilikas mula sa Ukraine.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, bumiyahe muna ang mga Filipino sa Lviv, isang siyudad sa Ukraine na malapit sa border ng Poland.
Mismong si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, ang sumalubong sa mga Filipinong lumikas.
Sasailalim muna sa COVID-19 swab test ang mga Filipino bago pauuwiin sa Pilipinas.
Una rito, sinabi ng DFA na 40 na Filipino ang inilikas na mula kyig patungo ng Lviv at naghihintay na lamang ng repatriation.
MOST READ
LATEST STORIES