Partylist solon suportado ang ‘special session calls’ para sa fuel excise tax suspension

Handang makibahagi si House Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Representative Bernadette Herrera sakaling magpatawag ng special session para matalakay ang mga panukang suspindihin ang excise tax sa mga produktong-petrolyo.

 

Puna ni Herrera masyado ng mataas ang halaga ng mga produktong-petrolyo at nakakadagdag pa ito sa intindihin ng mamamayan ngayon nagpapatuloy ang pandemya dulot ng COVID 19.

“If it is really necessary and President Duterte calls for it, we are more than willing to take part in the special session with the end goal of providing much-needed relief to our people amid unstoppable rise in crude prices,” sabi nito.

 

Ani ni Herrera  sa dakong huli ang mga ordinaryong konsyumer ang babalikat ng pamahal nang pamahal na langis dahil tataas din ang halaga ng mga bilihin at serbisyo.

 

“The higher costs will be passed on to ordinary consumers who have no choice but to deal with rising prices of food, electricity, water and other goods and services,” pagpupunto ng mambabatas.

 

Sinabi nito kung magkakaroon ng special session, makakapagpasa ang Kongreso ng lehilasyon na magbibigay daan sa suspensyon ng ipinapataw na excise tax sa mga produktong petrolyo  sa ilalim ng  Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

 

Paliwanag niya kapag nasuspindi ang mga buwis matatapyasan ng P6 ang kada litro ng diesel, P10 sa  gasolina, P5 per sa kerosene, at P33 sa 11-kilogram cylinder ng LPG o cooking gas.

 

Ngunit, sabi pa ni Herrera, tanging si Pangulong Duterte lamang ang maaring magpatawag ng special session dahil sa ngayon ay naka-‘recess’ ang Senado at Kamara dahil sa kampaniya hanggang sa pagtatapos ng eleksyon sa Mayo.

Read more...