Itutuloy na ng Simbahang Katolika ang paglalagay ng abo sa noo ng mga mananampalataya sa Ash Wednesday sa Marso 2.
Ito ay matapos ang dalawang taon na pagkatigil ng paglalagay ng abo dahil sa pandemya sa COVID-19.
Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines, ang Ash Wednesday ay hudyat ng pagsisimula ng Lent o Kwaresma.
Taong 2020 at 2021, binago ng Simbahang Katolika ang paglalagay ng abo sa noo ng mga mananampalataya.
Sa halip na ipahid sa noo, isinaboy na lamang ang abo sa mga mananampalataya.
MOST READ
LATEST STORIES