Uuwing OFW mula Ukraine, aayudahan ni Isko

Nakahanda si Aksyon Demokratiko presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno na ayudahan ang mga overseas Filipino workers na mapipilitang umuwi sa bansa dahil sa gulo sa Ukraine.

Ayon kay Moreno, tutulungan niya ang mga uuwing OFW lalo na kung mga taga-Manila.

“Why not? Lalo naman kung taga-Maynila sila. Eh meron namang kakayanan ng kaunti ang Maynila at kung hindi man sila taga-Maynila, baka makatulong kami on a personal level.  Ang importante lang naman dyan eh yung mabuhay sila. Yung buhay, buo, kasama nila ulit yung pamilya nila. Sama-sama silang magsikap ulit tapos may gobyerno silang masasandalan. Yon sa tingin ko maitatawid na natin ang taumbayan,” pahayag ni Moreno.

Sa pinakahuling talaan ng Department of Foreign Affairs, 300 na Filipino na karamihan ay mga domestic helpers ang nagtungo na sa capital city ng Ukraine na Kyiv.

Kung papalaring maging pangulo ng bansa, sinabi ni Moreno na uunahin niya sa isusulong na foreign policy ang buhay ng bawat Filipino.

“Unang-unang policy is iligtas ko yung mga Pilipino doon. Mamamayan muna before anything else. Masigurado ko na yung mahal nila sa buhay dito sa Pilipinas, na yung kanilang mga kaanak sa Ukraine ay makuha ng ligtas, buo, malusog sa lalong madaling panahon. Yun ang gagawin ko, to save as many Filipinos as possible and that is my job as president. Yun ang unang-una, first of everything. Buhay muna ng mga Filipino na OFW sa abroad ang mahalaga sa akin,” pahayag ni Moreno.

“I hope wala pang nasasawing mga kababayan natin, and that is the job of the president. One of the key responsibilities is to protect every Filipinos in the country and in the world and I think sana by this time,  naniniwala naman na baka may ginagawa na sila at ayoko silang husgahan. But you’re asking me, if I get elected, that’s the first thing in the morning, pagmulat ng mata ko, kung ako’y presidente, yun ang unang gagawin at iisipin ko. Paano sila maligtas at madala muli sa ating bansa o sa ligtas na lugar upang makapiling nilang muli yung kanilang mga mahal sa buhay,” dagdag ni Moreno.

 

 

Read more...