BBM hindi suportado ni Pangulong Duterte

PCOO photo

Hindi i-indorso ni Pangulong Rodrigo Duterte si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay kahit na ka-tandem ng kanyang anak na si vice presidential candidate at Davao City mayor Sara Duterte si Marcos.

Sa panayam ni Presidential Communications Operations office Secretary Martin Andanar kay Pangulong Duterte, sinabi nito na wala siyang i-indorsong kandidato sa ngayon.

Pag-amin ng Pangulo, matagal na niyang nakausap ang anak na si Mayor Sara.

Hindi aniya sila nag-uusap na mag-ama tungkol sa pulitika maliban sa isang beses ilang buwan na ang nakararaan.

 

Read more...