COVID 19 alert level metrics binago ng IATF

Inamyendahan ng Inter Agency Task Force (IATF) ang ginagamit na mga pamantayan sa pagdedeklara ng alert level sa mga lalawigan, highly urbanized at independent component cities.

 

Sinabi ni acting presidential spokesman Karlo Nograles ginawa ng IATF ang hakbang base sa rekomendasyon ng Sub Technical Working Group on  Data Analytics.

 

Sinabi lang din ni Nograles na ang Alet Level Matrix ay depende pa rin sa dami ng mga kaso ng COVID 19, gayundin sa hospitalization rate.

 

Nabanggit ng opisyal na ang inamyendahan ay ang cutoffs para sa average daily attack rate (ADAR) na dapat ay six points para sa low risk, six – 18 sa Moderate Risk at higit sa 18 para sa High Risk.

 

Nagtakda din ng pamantayan sa pagpapairal ng Alert Level 1;

 

-low to minimal risk classification

-total bed less utilization rate of less than 50%

-full vaccion of 70% of target population

-full vaccination of 80% of Priority Group (A2) Senior Citizens

 

“These revised metrics shall be applied in determining the alert level classification of provinces, highly urbanized cities and independent cities beginning March 1, 2022,” sabi pa ni Nograles.

Read more...