Sa kanyang bukas na liham para sa sambayanang Filipino, sinabi nito na kaya pa niyang tiisin ang panggigipit sa kanya para ipaglaban ang interes ng lahat.
“Hindi ako nagnakaw sa bayan, hindi rin nagtaksil sa Konstitusyon, hindi umabuso sa mandato, at walang pagkukulang sa obligasyon sa buwis. Malinis ang aking track record at paninilbihan sa bayan mula nang ako ay Chairperson ng Commission on Human Rights, Secretary of Department of Justice, at ngayon bilang inyong senador,” sabi pa ni de Lima.
Aniya ang tanging dahilan nang kanyang pagkakakulong ay ang pagpuna niya sa extra-judicial killings at paninindigan para sa kaparatan ng taumbayan.
Iginiit din niya na pawang imbento ang isinampang mga kaso laban sa kanya at napag-initan ng Malakanyang.
“Wala po akong pagsisisi,” pagdidiin ng reelectionist senator.