Pagpapauwi sa mga Pinoy sa Ukraine, pangangasiwaan ni DFA Secretary Locsin

Personal na magtutungo sa Ukrainian border si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Ito ay para personal na tutukan ang pagpapauwi at kaligtasan ng mga Filipino na naiipit sa gulo ngayon dahil sa pag-atake ng Russia sa Ukraine.

Sa tweet ni Locsin, sinabi nitong kasama niya sa biyahe si Foreign Affairs Assistant Secretary Jet Leda at protocol officer George Pineda.

Una rito, pumayag ang Poland na tanggapon muna ang mga Filipino na umaalis ng Ukraine kahit na walang visa.

 

Read more...