Inihayag ni Kris Aquino na wala siyang cancer at diabetes.
Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ni Kris ang isang video kung saan kinukuhanan siya ng dugo para sa mga serye ng pagsusuri.
“Cancer is ruled out, kidney function is kay, sugar is fine (meaning no diabetes) and so far liver function is okay considering all my maintenance meds,” saad ni Kris.
Kumuha rin si Kris ng allergy specialists.
“Marami akong health problems at present but para ma-confirm how serious they are, kailangan unahin namin ‘yung pinakamalaking hadlang, my allergies and my chronic urticaria,” ani Kris.
Dagdag nito, “Hindi kasi alam how I’ll react to the dyes needed for tests like CT SCAN, MRI, and lahat ng may -gram sa ending.”
Nagpasalamat naman si Kris sa lahat ng nag-aalay ng panalangin para sa kaniyang paggaling.