Marcos Jr. hindi pa tiyak na makakadalo sa Comelec-sponsored debate

Photo credit: former Sen. Bongbong Marcos/Facebook

Hindi pa kumpirmadong makakadalo si Partido Federal ng Pilipinas standard bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa ioorganisang debate ng Commission on Elections (Comelec).

Pahayag ito ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez.

“His participation in the said event will only be confirmed if his hectic campaign schedules permit,” saad nito.

Nagpahayag naman ang iba pang presidential candidates sa pagdalo sa naturang debate.

Nakatakdang isagawa ang Comelec-sponsored debate sa Bocaue, Bulacan sa March 19, 2022.

Read more...