‘Bayanihan, Bakunahan 4’ isasagawa sa Marso

PCOO photo

May ikinakasang “Bayanihan, Bakunahan 4” ang pamahalaan sa buwan ng Marso.

Ito ay para mapadami pa ang mababakunahan kontra COVID-19.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na mahalagang maipagpatuloy ang malawakang bakunahan para mabigyan ng booster shots ang mamamayang Filipino.

Unang target aniya sa susunod na “Bayanihan, Bakunahan” ang mga senior citizen.

Base aniya sa data ng National Vaccination Operations Center (NVOC), mayroon pang 23 milyon na dapat maturukan ng booster dose.

Sa ngayon aniya, nasa 28 porsyento pa lamang ng eligible population ang nabigyan nito.

Ayon kay Duque, mahalaga ang patuloy nilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para mapalakas ang house-to-house vaccination campaign.

Sa ngayon aniya, kailangan nang sadyain sa mga bahay ang mga senior citizen at may comorbidity na hindi na makalakad o hirap nang lumabas pa para pumila sa bakunahan centers.

Tuloy din aniya ang pagbabakuna sa pediatric age groups o mga batang nasa lima hanggang 11-anyos pati na ang mga edad 12 hanggang 27-anyos.

Tuloy din, ayon kay Duque, ang pagtuturok ng primary doses para sa eligible population.

Read more...