Putin, inanunsiyo ang paglulunsad ng military operation laban sa Ukraine

Reuters photo

Inanunsiyo ni Russian President Vladimir Putin ang paglulunsad ng military operation sa Ukraine.

Sa ibinahaging video, layon nitong maalis ang tinawag nitong seryosong banta at para sa demilitarisation at denazification ng Ukraine.

Umapela rin si Putin sa Ukrainian military na ibaba ang kanilang mga armas.

Inihayag niya ito matapos sabihin ng Kremlin na ilang rebel leaders sa eastern Ukraine ang humingi ng military help sa Moscow laban sa Kyiv.

Kasunod nito, umapela si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa mga Russian na huwag suportahan ang “major war sa Europe.”

Read more...