Gobyerno mayroon ng ‘evacuation and repatriation plan’ para sa mga Pinoy sa Ukraine

Handa na ang gobyerno na magsagawa ng mass repatriation sa mga Filipino na nasa Ukraine.

 

Ikakasa ang plano kung patuloy na lalala ang tensyon dahil sa nagbabantang pananakop ng Russia.

 

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Cacdac, bumuo na ng crisis management mechanisms  at exit strategies ang Philippine Embassy sa Ukraine.

 

Gayundin aniya ang  Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Overseas Labor Office (POLO) para sa 380 Filipinos na nasa Ukraine.

 

Dagda pa ni Cacdac may napiling ng pick-up at exit points at lugar na pansamantalang matutuluyan ng mga ililikas na Filipino.

Maging ang mga sasakyan para sa paglilikas ay nakahanda na rin, sabi pa ng opisyal.

Read more...