Pope Francis nababahala para sa Ukraine dahil sa Russian invasion

Labis nang nababahala si Pope Francis sa sitwasyon sa Ukraine bunsod ng nagbabantang pananakop ng Russia.

 

Ayon sa Santo Papa ang nakakaalarmang sitwasyon sa Ukraine ay nagiging banta na rin sa kapayapaan ng lahat.

 

“Despite the diplomatic efforts of these past weks, increasingly alarming scenarios are emergening,” sabi pa ng Santo Papa at dagdag niya; “I ask all of the parties involved to abstain from any action that could cause still more suffering for the population.”

 

Dagdag pa ni Pope Francis sa susunod na Miyerkules ay Ash Wednesday na ang simula na ng Kuwaresma at hiling niya na ito ay maging araw ng pag-aayuso, pagninilay at pagdarasal para sa kapayapaan.

 

“So that the reign of peace can preserve the world against the madness of war,” sabi pa ng namumuno sa Simbahang Katoliko.

 

Ginawa ng Santo Papa ang apila matapos ipag-utos ni Russian President Vladimir Putin sa kanilang ‘peacekeepin forces’ na pasukin na ang dalawang rehiyon sa Ukraine na kinikilala na nilang ‘independent.’

 

Read more...