Pantawid Pasada Program nais pagtibayin ni Sen. Win Gatchalian

Binabalak ni Senator Sherwin Gatchalian na maghain ng panukalang-batas para mapagtibay ang Pantawid Pasada Program sa pagtugon sa epekto ng pagtaas ng presyo ng mga produktong-petrolyo.

 

Katuwiran ni Gatchalian nasubukan na ang programa sa mga naging pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

 

Iminungkahi din nito na gumamit ng e-wallets para sa mabilis na pamamahagi at paggamit ng subsidiya sa mga benipesaryo ng programa, partikular na ang mga nasa sektor ng pampublikong transportasyon.

Binanggit niya na base sa datos ng Department of Energy simula noong nakaraang Disyembre 28, tumaas na ng P6.80 ang presyo ng kada litro ng gasolina, P10.20 sa diesel at P8.23 naman sa kerosene.

 

Sa palagay pa ng senador mas makakabuti ang naturang programa sa halip na suspindihin ang excise taxes sa mga produktong-petrolyo tulad ng pahayag ng Department of Finance.

 

Sa 2022 General Appropriations Act may P2.5 bilyong alokasyon na ang Pantawid Pasada Program, na may 377,443 benipesaryo.

Read more...