DOLE dumistansiya sa TUPAD program ng Pasig City LGU

SCREENGRAB PHOTO

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na wala itong partisipasyon sa TUPAD Program ng pamahalaang-lungsod ng Pasig.

 

Ginawa ito ng kagawaran matapos magkagulo sa aplikasyon para sa nabanggit na programa ng lungsod kamakalawa.

 

Payo lang din ng DOLE sa mga LGUs na magpapatupad ng TUPAD gamit ang kanilang pondo na humingi muna ng awtorisasyon sa kagawaran para matiyak na masusunod ang mga alintuntunin ng programa.

 

Paalala lang din ng Labor Department ang TUPAD ay registered service mark ng kagawaran at may karapatan ang ahensiya na pagbawalan ang sinoman na gamitin ito.

 

Sa nangyaring kaguluhan sa Pasig City, dinumog ang aplikasyon para sa TUPAD kayat napabayaan ang pagsunod sa minimum safety and health protocols.

Humingi naman na ng paumanhin si Mayor Vico Sotto sa kaguluhan at kalituhan  na nangyari sa kanilang TUPAD program.

Read more...