Higit 70 OFWs sa Hong Kong positibo sa COVID 19

Kabuuang 76 overseas Filipino workers (OFWs) ang kabilang sa mga aktibong COVID 19 cases sa Hong Kong, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

 

Sa naturang bilang, walo ang nasa ospital, samantalang ang iba ay nasa quarantine facilities o isolation rooms ng kanilang amo.

 

Sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na kinukumbinsi na rin nila ang mga amo ng mga Filipino, na inalis sa trabaho dahil sa pagkakahawa ng COVID 19.

 

“Meron na pong mga nakumbinsi na employers na tanggapin uli ang kanilang mga OFWs yung hindi po makumbinsi sa talaan po natin ay isa lang pong employer, idudulog na po natin ito sa HK labor of authority,” sabi ni Cacdac.

 

Dagdag pa ng opisyal, ilalagay sa ‘blacklist’ ang mga employers na ilegal na nagpatalsik sa mga OFWs base sa polisiya ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

 

Aniya ang mga OFWs na gumaling sa sakit ay tatanggap ng food assistance, hygiene kits, power banks at $200 tulong pinansiyal.

 

Read more...