150 pares ikinasal sa kasalang-bayan sa Quezon City

Pinagtibay ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagsasama ng 150 pares na residente ng District 4 sa lungsod.

 

Naging saksi sa sama-samang pag-iisang dibdib sina Vice Mayor Gian Sotto, Rep. Bong Suntay, Coun. Ivy Lagman, Coun. Hero Bautista, Coun. Marra Suntay, Coun. Irene Belmonte, Civil Registry Department Head Jun Cariño, CRD Admin Officer Atty. Paolo Brillantes, dating Coun. Babes Malaya at Egay Yap.

 

Ang kasalang bayan ay inorganisa mismo ni Belmonte bilang handog sa mga residente ng lungsod.

 

Nagbilin naman ang alkalde sa mga bagong kasal na manatiling masaya at magmahalan hanggang kamatayan.

 

Kamakailan, 305 pares naman sa Distric 3 ang napagtibay at naging pormal ang pagsasama.

Read more...