Sinabi ni Duterte sa mga mamamahayag sa Davao City na ang gagawin niya ay hihimukin niya ang kongreso na ibalik ang “death penalty by hanging” lalo na sa krimeng may kaugnayan sa droga.
“What I would do is urge congress to restore the death penalty by hanging, especially if you use drugs,” ani Duterte.
Dagdag ni Duterte, gusto niyang ibalik ang parusang kamatayan sa mga heinous crimes kabilang ang robbery with rape.
Noong siya ay nangangampanya ay hayagan ang pahayag ng alkalde na pabor siya sa muling pagpapatupad ng death penalty.
Tinanggal ang death penalty sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2006.
READ NEXT
Kampo ni Rep. Robredo, itinanggi na galing sa kanila ang ‘open letter’ na ipinadala sa mga mamamahayag
MOST READ
LATEST STORIES