Kampo ni Rep. Robredo, itinanggi na galing sa kanila ang ‘open letter’ na ipinadala sa mga mamamahayag

Mariing pinabulaanan ng kampo ni vice presidential race frontrunner Leni Robredo na galing sa kanila ang pinadalang “bukas na liham” sa media.

Ang naturang bukas na liham ay mula sa email address na lenigeronarobredo2016@yahoo.com, at ipinadala sa mga mamamahayag kaninang umaga.

Nakasaad sa liham na nagpapasalamat si Robredo sa mga tagasuporta nito dahil sa tagumpay daw na narating, bagama’t hindi pa ganap ang tagumpay na ito.

Nakasaad pa rito na “Ako ay lumiham sa inyo upang magpasalamat ng tauspuso sa mga taga media na sumuporta sa akin sa gitna ng laban na ito na maituturing kong isang malaking pagsubok sa aking buhay.”

May banat din ito sa mga media na siniraan daw siya at hinamak.

Sa huling bahagi ng liham, pinagko-concede pa ni Robredo si Senador Bongbong Marcos, na pangalawa sa VP derby.

Subalit paglilinaw ni Aika Robredo, anak ng lady solon, hindi raw galing sa kanila ang sulat at lalong hindi ito gawa ng kanyang nanay.

“FYI, this did not come from us. Please refer to OFFICIAL Leni Robredo accounts. Leni Media Bureau uses an official email address when they send out notices, w/c they have been using since start of the campaign,” ayon kay Aika.

Ayon naman kay Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo, maglalabas sila ng opisyal na statement hinggil sa naturang sulat.

Read more...