30 ministers, deputy ministers ng BARMM nagbitiw sa pwesto

Photo credit: Bangsamoro Government/Facebook

Aabot sa 30 ministers at deputy ministers sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang naghain ng resignation.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni BARMM chief minister Ahod Ebrahim na dalawa sa mga nagbitiw ang kanyang tinanggap habang ang lima ay reappointed.

Sumasailalim pa aniya sa assessment at evaluation ang ibang nagbitiw sa puwesto.

Paliwanag ni Ebrahim, nagbitiw sa puwesto ang ministers at deputy ministers dahil nasa ikatlong taon na sila sa puwesto at patapos na ang transition period.

Tumanggi na muna si Ebrahim na tukuyin ang pangalan ng dalawang ministers na tinanggap ang resignation.

Read more...