Kasunod ito ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin. Jr. na pangunahing tungkulin nila na mailayo ang mga Filipino sa kapahamakan.
“Our chief and singular concern is to take out of harm’s way our fellow Filipinos in Ukraine and bringing them to the nearest places of safety by the fastest possible way,” pahayag ni
Inaayos na aniya ni Undersecretary Sarah Arriola ang pagkakasa ng repatriation effort para sa mga Filipino na nais makauwi ng Pilipinas.
“Our offer to take Filipinos in Kiev is underway and Usec Sarah Arriola is spearheading the repatriation effort for Filipinos who want to come home,” dagdag nito.