Pilipinas, nakapagtala ng 1,534 na bagong kaso ng COVID-19

Patuloy ang pagbaba ng aktibong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa 3,655,709 na confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa, na 55,449 o 1.5 porsyento ang aktibong kaso, base sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Miyerkules ng hapon (February 23).

Sinabi ng kagawaran na 1,534 ang bagong naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa nakalipas na 24 oras.

652rito ang asymptomatic o walang sintomas, 50,258 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,811 ang moderate, 1,426 ang severe, habang 302 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 201 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 55,977 o 1.53 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 2,729 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 3,544,283 o 97.0 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...