South Korean na wanted dahil sa illegal gambling, naharang sa NAIA

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang puganteng South Korean na wanted dahil sa illegal gambling.

Sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nakilala ni BI Port Operations Chief Atty. Carlos Capulong ang dayuhan na si Lee Taeyang, 31-anyos.

Bibiyahe sana si Lee sa pamamagitan ng Philippine Airlines flight patungo sa Phnom Penh, Cambodia.

Hindi pinayagang makaalis si Lee matapos makita ng isang immigration officer na may positive hit ang dayuhan sa derogatory system ng BI-Interpol.

Ani Capulong, nahaharap ang dayuhan sa arrest warrant na inilabas ng South Korean court at red notice mula sa Interpol.

Nakasaad sa abiso ng Interpol na kinansela na ng South Korean government ang pasaporte ni Lee dahil sa kaniyang pagiging pugante.

Sa ngayon, nananatili si Lee sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City habang ipinoproseso ang deportation nito. pending deportation, Capulong said.

Read more...