BTS, babalik sa U.S. para sa in-person concerts

Reuters photo

Magbabalik sa Amerika ang K-pop sensation na BTS para sa serye ng mga in-person concert sa Las Vegas sa Abril.

Ayon sa Bit Hit Music, isasagawa ang concert sa April 8 hanggang 9 at 15 hanggang 16.

Bahagi ang concerts ng “Permission to Dance on Stage” tour ng South Korean boy band.

Unang naisagawa ang kanilang in-person concerts simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic sa Los Angeles noong November 2021.

Samantala, noong Martes, iniulat na rin ng kanilang agency na naka-recover na sa COVID-19 ang singer-songwriter na si Kim Tae-hyung o mas kilala bilang V.

Read more...