Bukas na ang bagong Land Transportation Office (LTO) Licensing Center sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Kasabay ito ng inagurasyon nito, sa pangunguna ni Transportation Secretary Art Tugade kasama si LTO Assistant Secretary Edgar Galvante, araw ng Miyerkules (February 23).
Layon ng bagong LTO-PITX Licensing Center na makapagbigay ng mas mabilis na serbisyo sa pamamagitan ng pagtatayo ng LTO Licensing Center para sa mga pasahero sa PITX, mga overseas Filipino worker (OFW), at maging ang mga residenteng malapit sa Region IV-A.
Narito ang mga serbisyo na maaring ma-avail sa LTO-PITX Licensing Center:
– Pag-asiste sa Land Transportation Management System (LTMS) portal
Registration
– Paglabas ng student permits
– Bagong driver’s licenses
– Renewal ng driver’s licenses
– Miscellaneous services
– Additional restriction Code/DL codes
– Pagbago ng classification mula sa non-professional driver’s licenses hanggang professional driver’s licenses na kaparehong restriction code
– Pagbago ng classification mula sa non-professional driver’s licenses hanggang professional driver’s licenses o professional driver’s licenses patungo sa non-professional driver’s licenses.
Sinabi ng DOTr na sa mga susunod na buwan, bibigyang prayoridad ang mga OFW sa bagong LTO-PITX Licensing Center.
Magkakaroon ng mga sumusunod para sa mga OFW:
– Priority lane para sa OFWs
– Driver’s license certification
– Driver’s license certification-DFA Apostille