Pinasinayaan na ang Baclaran depot ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension Project, araw ng Miyerkules (February 23).
Pinangunahan ni ni Transportation Secretary Art Tugade ang inagurasyon matapos makumpleto ang civil works sa Baclaran Depot ng naturang proyekto.
Makatutulong ang expansion project upang magkaroon ng karagdagang rail tracks at ma-accommodate ang mas maraming tren.
Dahil sa pagpapalawak ng Depot, madadagdag ang 21 stabling and maintenance tracks, na makakapagpataas ng stabling capacity ng depot sa 182 Light Rail Vehicles (LRVs) at heavy and light maintenance capacity sa 48 LRVs.
Inaasahang maipapadala ang depot equipment sa August 2022.
Oras na maging fully operational, tataas din ang kapasidad ng LRT-1 Cavite Extension sa 800,000 pasaher kada araw sa unang taon ng operasyon.
Sa pamamagitan nito, magiging 25 minuto na lang ang oras ng biyahe sa pagitan ng Baclaran, Parañaque at Bacoor, Cavite.
Pinondohan ang naturang proyekto sa pamamagitan ng Official Development Assistance (ODA) mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).