Pumalo na sa 428.19 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 428,195,806 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 80,270,563 cases.
Sumunod na rito ang India na may 42,865,431 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 28,351,876 naman ang kaso sa Brazil habang 22,401,406 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 18,695,449
– Russia – 15,657,928
– Germany – 13,872,762
– Turkey – 13,675,581
– Italy – 12,554,596
– Spain – 10,880,194
– Argentina – 8,855,624
– Iran – 6,983,635
– Netherlands – 6,153,207
– Colombia – 6,052,126
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,924,968 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 356,008,302 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.