305 magkasintahan, ikinasal sa Quezon City

Quezon City government

Aabot sa 305 na magkasintahan ang ikinasal sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, isinagawa ang kasalang bayan sa ikatlong distrito ng lungsod.

Nagsilbing marriage officiant si Belmonte sa pag-iisang dibdib ng mga magkakasintahan sa kasalang bayan ng pamahalaang lungsod.

Naging saksi rin sa kasal sina Councilor Franz Pumaren, Councilor Wency Lagumbay, Councilor Jorge Banal, Councilor Kate Coseteng, at iba pa.

Ayon kay Belmonte, hangad niya ang masaya at masaganang pagsasama ng mga bagong kasal.

Read more...