Metro Manila mayors, nagkasundong ibaba sa Alert Level 1 ang NCR simula sa March 1

Nagkasundo ang Metro Manila mayors na ibaba sa Alert Level 1 ang quarantine classification simula sa Marso 1.

Ito ay matapos ang ginawang pagpupulong ng Metro Manila mayors, Martes ng gabi (February 22).

Ayon kay Parañaque City Mayor at Metro Manila Council (MMC) chairman Edwin Olivarez, unanimous ang naging boto ng mga mayor na ibaba sa Alert Level 1 ang Metro Manila.

Patuloy na kasi aniyang bumaba ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa ngayon, nasa Alert Level 2 ang Metro Manila hanggang sa Pebrero 28.

Read more...