Mayor Sara, pinatunayang buo pa rin ang ‘solid north’

Photo credit: former Sen. Bongbong Marcos/Facebook

Pinatunayan ni Lakas-CMD vice presidential candidate Davao City Mayor “Inday” Sara Duterte-Carpio na buo pa rin ang “Solid North” sa kaniyang kampanya sa Northern Luzon, ayon kay House Majority Leader at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez.

“Barnstorming the country’s northern provinces for several days, the Davao city mayor disproved notions that the politically-defining vote was already an afterthought and instead further solidified it, this time behind the UniTeam,” pahayag ni Romualdez, presidente ng Lakas-CMD.

Nakatanggap ang tandem nina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Sara Duterte suporta at endorsements ng mga political leader.

Ikinasa ng Presidential daughter ang kaniyang northbound sortie sa pamamagitan ng whistle stops sa Nueva Ecija.

Maliban sa mga pulong, inilunsad din nito ang hiwa-hiwalay na opisina ng support groups na Kay Inday Sara Lilipad ang Pilipinas (KISLAP) a Marcos Sara Duterte Alliance (MASADA) sa naturang probinsya.

Nagpasalamat si Duterte sa pagpapakita ng suporta ng mga opisyal sa nasabing probinsya.

Tiniyak din nito na solido at matibay ang suporta.

“I can say that even before the campaign began, we in Isabela were already all-in for BBM-Sara UniTeam. Ngayon pa kaya na nakita namin ang sinseridad nila, especially Mayor Inday Sara,” saad ni Isabela Governor Rodolfo “Rodito” Albano III.

Sa bahagi naman ng Cagayan, pinag-isa ni Governor Manuel Mamba ang Solid North sa pamamagitan ng pagboto ng mga residente sa Lakas-CMD chairperson.

Sinabi ni Duterte sa mga residente ng Cagayan at Isabela na itutuloy nito ang legasiya ng kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa infrastructure development at anti-illegal drugs.

Ipinarating din ng iba pang opisyal sa iba’t ibang probinsya ang pagsuporta sa Uniteam.

Read more...