Proteksyon at pangangalaga sa wetlands isinusulong ni Sen. Cynthia Villar

Kaisa si Senator Cynthia Villar sa mga nanawagan ng konkretong aksyon para mabigyan proteksyon at tamang pangangalaga sa wetlands sa bansa.

 

Aniya kailangan talagang mapagtuunan ng sapat na pansin ng gobyerno maging ng pribadong sektor na matuldukan ang pagkasira ng wetlands at maibalik ang mga nawala.

 

“In all candidness, this is no mean feat for a state like the Philippines to follow. With our country’s archipelagic nature, we have an abundant number of wetlands that call for much-needed attention,” diin ng senadora.

 

Sa naging paggunita ng World Wetlands Celebration sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park (LPPWP), iginiit ng namumuno sa Senate Committee on Environment and Natural Resources na dapat ay maiangat pa ang kamalayan ng sambayanan sa kahalagahan ng wetlands sa ecosystems.

 

Ibinahagi pa ng senadora sa pagdiriwang na base sa 2016 Atlas of Philippine Inland Wetlands and Classified Caves, sa Pilipinas ay may 314 inland wetlands at 2,487 river systems.

 

Hindi din napigilan ni Villar na ibahagi ang kanyang labis na pagkadismaya na may mga taga-Department of Environment and Natural Resources (DENR) na binabalewala ang kahalagahan ng wetlands, kasama na ang pagbibigay ng Enviromental Clearance Certificates sa mga reclamation projects.

 

Inihalimbawa pa nito ang Las Pinas-Parañaque Wetland Park na kapag napabayaan ay magdudulot ng malaking problema sa mga lungsod ng Las Piñas at Parañaque.

Read more...