Matindi ang pangangailangan na kumuha ng mga karagdagang teaching assistants para may makatulong ang mga guro sa mga administratibong trabaho.
Sinabi ni de Lima malaking tulong ang nagagawa ng mga teaching assistants para mas epektibo at maayos na makapagturo ang mga guro.
“Yung mga teachers natin, professionals yan at highly educated pero dahil napakarami nilang ginagawa, minsan nagiging COMELEC assistant at kung ano-ano pang pinapaagwa ng local government, nakakalimutan natin na teachers at professionals sila who are specifically trained para magturo ng bata,” sabi ng senadora sa ‘Teachers for Leni’ online event.
Sa mensahe ng senadora na binasa ng kanyang Chief Legislative Officer, Atty. Abel Maglangue, sinabi nito na dapat 80% ng trabaho ng mga guro ay pagtuturo lamang at dapat mabawasan ang kanilang mga trabahong administratibo.
Dagdag pa nito, sa paglobo ng bilang ng mga mag-aaral ay dapat nadadagdagan din ang bilang ng mga guro, gayundin ang pasilidad.
“Gusto natin systemic na, kasi dapat automatic na nakasabay na siya sa population. Kapag dumami ang tao, automatic meron nang kapangyarihan ang DepEd na paramihin ang teachers, na paramihin yung classrooms, depende sa area,” ayon kay Maglanque.