Muntinlupa City Council pinag-usapan pagbabawal ng bentahan ng mga gamot sa sari-sari stores

Inquirer file photo

Tumugon na ang Sangguniang-Panglungsod ng Muntinlupa sa utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magpasa ng ordinansa na magbabawal sa bentahan ng mga gamot sa mga sari-sari stores.

Kahapon, tinalakay na ng konseho ang panukalang ordinansa, ayon kay Councilor Raul Corro.

Sinabi pa nito, dahil ang tanggapan ng Food and Drug Administration (FDA) ay nasa kanilang lungsod, iimbitahan nila ang mga opisyal ng ahensiya sa pagtalakay ng isyu.

Magugunita na hinikayat ng DILG ang mga lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansa kasunod ng mga ulat na may kumakalat at naibebentang mga pekeng gamot sa mga tindahan.

Sinabi pa ni Secretary Eduardo Año na kabilang pa sa mga ipinagbibili ay mga gamot na sinasabing makakapagpagaling ng COVID 19.

Inatasan na rin ng kalihim ang pambansang pulisya na hanapin ang mga tindahan na nagbebenta ng mga gamot at kasuhan ang may-ari kung may sapat na basehan.

Read more...